Tuwing Buwan ng Agosto, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika bilang pagbibigay kahalagahan sa ating wika, ang Filipino at sa mga naging kontribusyon nito sa ating buhay.Ipinapaalala nito na ang pagkakaroon ng Wika ay isang karangalan sa ating bansa dahil ito ang nagbibigay karunungan sa ating mga mamamayan. Ito'y napakaimportante sa atin sapagkat ito ang nagpapakilala na tayo ay taas noo'ng pinagsisigawan na tayo ay mamamayan sa bansang Pilipinas.
Magsaliksik at matuto, kung ito'y iyong nauunawaan ika'y "Wikang Filipino".Ang tema ngayong taong ito ay "Filipino: Wika ng Saliksik.Kahit na napapanahon ang globalisasyon at makabagong teknolohiya, hindi parin magpapahuli ang ating Wika. Hinihikayat tayo ng tema na gamitin ang Wikang Filipino bilang daluyan sa pananaliksik. Ang pananaliksik ayon sa wikipedia, ay proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyong kaalaman. Sa pagdagdag ng ating karunungan, ating gawing midyum ang Wikang Filipino lalong lalo na sa pagtamo ng mga panukala, pamamaraan at kinikilingan. Dahil sa paggamit ng wika natin, mas mapapadali ang paghahanap ng impormasyon sapagkat mas lalo natin itong maiintindihan.
Ang Buwan ng Wika ay nagbubukas sa maraming paraan. Ito'y nagaganap sa mga paaralan sa buong bansa sa pamamagitan ng paglaan ng mga kompetisyon. Ang mga kompetisyong ito ay ang mga sumusunod : Poster Slogan, Sanaysay, Spoken Poetry, at marami pang iba. Ipinapakita nito na tuloy parin ang daloy ng Wikang FIlipino.
Kaya't ating pagyamanin ang ating Wika dahil ito ang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng ating mamamayan. Kahit saang lugar man tayo mapadpad,panatilihing puro parin ang ating pagka-Pilipino.
amazing article jap keep it up
TumugonBurahin